ANG YAMANG TUBIG
isinulat ni Migui Sunga
Ang mga makukuha nating tubig ay maikakategorya sa freshwater, na kadalasan ay mahahanap sa lupa at sa yelo, at saline water, na kadalasang nahaganap sa dagat. Ang tubig ay mahalaga dahil ginagamit ito sa maraming bagay. Ang tubig ay isa sa mga paktor na kailangan ng mga hayop, mga halaman, at mga tao para mabuhay. Ito ay ang isang dahilan kung bakit ang tubig ay tinatawag na nabibigay ng buhay. Ang tubig ay ginagamit sa agrikutural, industriyal, pambahay, libangan, at sa mga gawaing pangkapaligiran.
Ang mabilis na pagkaunti ng tubig sa ating mundo ay nagpapakita sa atin ang importansya ng tubig sa ating komunidad. Ang tubig ay tumatakip ng 71% ng ating mundo. Mukha ngang malaki ang 71%, ngunit, 2.5% lang ng persentong iyon ang freshwater. Ang freshwater ay ang kinakailangan ng mga tao, hayop, at mga halaman para mabuhay. Ang natitirang 97.5% ng natitirang persento kanina ay saline water o saltwater. Sa saltwater, hindi kagaya ng fresh water, tayo pangunahing kumukuha ng asin. Ang saltwater rin ay palaging ginagamit para palamigin ang mga kagamitan na nagooverheat, kadalasan rin ito ginagamit para sa ibang industryal na mga bagay.
Maraming tubig na maari nating pagkunan ay unti-unting nauubos. Kahit alam nating mahalaga ang tubig sa ating lipunan, binabaliwala natin ang katotohanang ito'y nauubos na. Maraming mga grupo ng tao ang gumagawa ng mga paraan para alagaan at maayos na gamitin ang mga natitirang lugar na maari nating pagkunan ng tubig. Bilyon-bilyon ang bilang ng mga tao na naninirahan sa mundo at bawat isa ay kailangang mayroong pagkukunan ng tubig. Kaya ang tanong, mayroon ba talagang solusyon para sa unti-unting nauubos na tubig na mayroon tayo? Siyempre meron. Ang simpleng paraan para pagkasiyahin ang natitirang tubig natin para sa ngayon at sa mga susunld na henerasyon ay ang huwag pagaaksaya nito at ang paggamit nito kapag kinakailangan lamang. Kailangan rin nating huwag mag tapon ng ating mga basura at dumi sa mga pinagkukunan ng tubig para mabawasan ang water pollusyon. Ang mga maruruming tubig ay kinakailangan pa linisin sa mga water treatment facilities na kinakailangan ng matagal na panahon para maging malinis muli ang tubig. Sa paggawa ng mga simpleng bagay kagaya ng mga binanggit, magagawa nating mas magandang mundo ito hindi lamang para sa atin, kundi para rin sa mga hayop at halaman.
POLUSYON NG TUBIG?
isinulat ni Raymond Rico Gopilan
Sa kasalukuyan, hindi maganda ang kondisyon ng pinagkukunan natin ng tubig. Ang mga lugar na pwede tayong kumuha ng tubig ay unti-unting nasisira dahil sa basura. Ang hindi angkop na pagtapon ng basura ay nagdudulot ng pollusyon na masama sa tubig at sa ating kalusugan. Bakit nga pala may polusyon? Isa sa mga pangunahing dahilan nito ay katamaran. Karamihan sa ating mga tao ay natural na naghahanap ng paraan na magpapadali sa ating mga gawain. Parang pagtapon lang ng basura, tinatamad ang karamihan sa atin na magtapon ng basura sa pamamagitan ng angkop na paraan, mahaba at mas kinakailangan ng lakas ang maayos na pagtapon ng basura kung kaya’t karamihan sa atin ay tinatapon na lamang ang ating mga basura kung saan-saang lugar.